𝗡𝗘𝗠𝗦𝗨 𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗴 𝗚𝗿𝗮𝗱 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺

by: Rhea Malinao Cedron | August 30, 2025

𝗡𝗘𝗠𝗦𝗨 𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗴 𝗚𝗿𝗮𝗱 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺



Sa pagbubukas ng bagong taong panuruan, pormal na isinagawa ng North Eastern Mindanao State University (NEMSU) Tandag Graduate School ang oryentasyon para sa kanilang mga mag-aaral kaninang umaga, Agosto 30, sa University Gymnasium.
Matapos magbigay ng pambungad na salita si Dr. Floresito D. Calub, ang OIC Campus Director, binigyang-diin ni Dr. Nemesio G. Loayon, SUC President III, sa kanyang mensahe ng inspirasyon ang kahalagahan ng pag-aaral upang hubugin ang husay sa kanilang propesyon.
"We understand the vital role of the graduate school on your professional achievements, but foremost, that is very vital for your work and profession," ani Pres. Loayon. Kasunod nito, ipinakilala ni Dr. Jennifer M. Montero, Dean ng Graduate School, ang mga tagapag-ugnay ng programa, mga guro, at kawani ng NEMSU Tandag Grad School. Kalauna'y naglahad din siya ng mga balita ukol sa mga operasyon nito.
Bukod doon, nagbahagi ang Vice President for Academic Affairs (VPAA) na si Dr. Maria Lady Sol A. Suazo ng mga akademikong impormasyon na may kaugnayan sa mga mag-aaral. Samantala, tinalakay naman ni Vice President for Research and Extension na si Dr. Rolly G. Salvaleon ang mga usapin hinggil sa pananaliksik ng Grad School. Habang nagpaalala ang University Registrar na si Ms. Lynnet A. Sarvida ukol sa mga dokumentong kailangang isumite upang maging maayos ang daloy ng kanilang pag-aaral.
Kasabay ng nasabing orientation program, nagsagawa rin ng eleksyon para sa mga bagong estudyanteng manunungkulan sa NEMSU Graduate School Student Organization, kung saan pormal na nahalal si G. Mark Jade G. Burlat bilang bagong pangulo.
Ayon sa datos na ipinakita ni Dr. Montero, umaabot sa 1,486 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa Grad School ngayong taong panuruan 2025-2026. Para sa mga karagdagang kuhang-larawan, maaring bisitahin ang Google drive na nakalagay sa post

𝐍𝐄𝐌𝐒𝐔 𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐬 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐢𝐭𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐕𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐢𝐧 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧-𝐒𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭

Public Information Office | February 26, 2025

North Eastern Mindanao State University (NEMSU) reaffirms its commitment to innovation and sustainable development.

Public Information Office | February 06, 2025

𝐍𝐄𝐌𝐒𝐔 𝐎𝐛𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐬 𝐑𝐞𝐦𝐨𝐭𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐲 𝐢𝐧 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐄𝐃𝐒𝐀 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐑𝐞𝐯𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧

Public Information Office | February 23, 2025

𝐍𝐄𝐌𝐒𝐔 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐮𝐝𝐢𝐨 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐲𝐦𝐧

Public Information Office | February 07, 2025

𝟰𝘁𝗵 𝗡𝗘𝗠𝗦𝗨𝗹𝘁𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝗖𝗼𝗻 𝗵𝗶𝗴𝗵𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗰𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀-𝘄𝗶𝗱𝗲 𝗸𝗲𝘆 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀, 𝗮𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀𝗲𝘀 𝗾𝘂𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗺𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗲𝘃𝗲𝗻 𝗰𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀𝗲𝘀

Jeah Pajaron | February 04, 2025